Anawim

Ang Simbahang ng Dukha at para sa mga Dukha

Isang maaliwalas na umaga sa panahon ng tagsibol, matatanaw sa loob ng isang bayan ang mga namumukadkad na dilaw na bulaklak na forsythia sa daanan na animo’y nangaakit ng kanyang kagandahan at sa isang banda, masisilayan sa mga malalagong puno ang mapulang dibdib ng ibong robin na animo’y pinapakita ang kanyang katanyagan.   Sa pagtahak sa kasarinlan ng panahon ng tagsibol, matatagpuan ang maliit na dambana na tila nasa gilid na ng bangketa.  Pumasok ako sa loob ng banal na dambana na tila mahigit sa isang dosenang katao lamang ang makakaupo. Tahimik akong umupo sa bangkó at nadama ko ang mainit na pagtanggap sa akin ng mga nagsisimba sa aking paligid. Pinangungunahan ng pari ang antigong debosyon ng buhay pagpapakasakit ni Hesu-Kristo, mula sa Kanyang Inang Maria patungo sa Kaharian ng Amang nasa Langit.  Ang indayog ng paulit-ulit na bigkas ng mga panalangin ng Santo Rosaryo ay nagbibigay payapa sa aking kalooban.  Sa pagpasok ng mga magsisimba, bata man o matanda, dahang-dahan lumalakad patungo sa paanan ng imahen ng Mahal na Birheng Maria upang magsindi ng kandila.  Ito ang Simbahan ni San Rafael ng Antigong Katoliko.   Bukod sa imahen ni Birheng Maria, matatanaw din ang imahen ni San Jose kung kung kaya’t ang simbahang ito ay maaari din mataguriang pangpamilyang parokya.    Hindi maaalis ang kamanghaan sa aking isipan ang pagsindi ng anim na naglalakihang dekoryenteng kandilang pang-altar, imbes na pagamit ng tunay na kandila.  Isa pa din ang kasaganaan ng bulaklak na animo’y tunay at sariwa ngunit sa malapitan ang lahat ng ito’y salungat sa mata at sa isipan.  Ang kapisanang  ito ay dukha, na kung saan ang mga pukyutang-pagkit na kandila at mga sariwang bulaklak ay matatawag na isang karangyaang hindi makakayanang maibahagi.

Sa pagsapit ng takdang oras, ang batingaw ng sakristiya ay umalingawngaw at pumasok ang Obispo at mga pari na may makinang kasuotang pang Misa.  Ang pambungad na awit ay malakas at masiglang inawit ng mananampalataya.  Sinumulan ang pagwisik ng agua bendita sa altar at sa mga tao at sumunod ang paginsenso hanggang ang lahat ay tila nakababad sa halimuyak ng kamangyan ng panalangin.  Ang liturhiya ng Salita ay hanggang sa homiliya na ang lahat ay magigising dahil sa pagbabahaginan at kaugnayan nito sa buhay.  Naibabahagi ang katuwaan, mga puna at gayun din ang mga katanungan.  Habang ang mga sanggol ay umiiyak sa loob ng homiliya, naibigkas na kinakailangan ang pagiging bata muli, pagbigyang diin sa pagkabata ni Hesus (Yalda) mula sa proseso ng pagsilang (yalid).  Sa ngayon ang bawat bangkó ay puno at may mga nakatayo sa may pintuan ng simbahan. Habang ang Panalangin ng Bayan at Reglo ay binibigkas, maririnig ang mahinang tunog ng organ animo’y nasa panahon ng mga Apsotoles (Col. 3:16).  Pagkatapos, sumunod ang pagpapahayag ng pagkakaisa nang ang dasal ng Ama Namin ay binigkas sa iba’t ibang wika, Ingles, Pranses, Aleman, Ebreo, Italyano, Tagalog, Portuges, Español, Sinhala/Tamil, at natatapos sa Latin, na dinadalangin at pinangunguhanan ng Obispo.  Dito matutunghayan ang tunay na dambanang bayan.  Sa oras ng komunyon, lahat ay magalang at taimtim na patungo sa may luhuran ng altar para tanggapin ang Banal na Katawan at Dugo ni Kristo, habang ang mga sanggol at bata ay tumtanggap ng basbas sa pamamgitan ng pagpatong ng Kalis sa kanilang mga ulo.  Lahat ay nararamdaman ang kapangyarihan nito sa pagbigkas ng “Corpus Christi.” Sa katapusan ng banal na pagdiriwang, habang hawak ng Obispo ang kanayng krusyer (tungkod) at ang krus mula sa tabernakulo, iginawad niya ang pagbasbas sa mga mananampalataya at  sa buong mundo.  Sumunod dito ang maikling patalstas para sa darating na linggo at pagtanggap sa mga bagong panauhin. Kapagtpos ang nasabing patalastas, nagtungo na ang Obispo at mga pari sa harapan ng Simbahan habang tinutugtog ang pangwakas na awit.  Mula dito nagsimula ang Agape.  May nagaabot ng bagong tinapay sa bawat isa na nakibahagi sa banal na pagdiriwang.   Ito ay tila pagbabahagi ng prosphora sa katapusan ng Liturhiya ng Orthodox.  Maaaring taguriang “kapanahunang Betlehem” ang lugar na ito.  Ang tinapay naibahagi ay mula sa kagandanhang loob ng Poles na kapitbahay.  Ang mga tao bukas-loob naipapahayag ang kanilang pagmamahal sa Obispo at sa mga kapairan sa pamamagitan ng paghalik sa kamay at sa pagbasbas sa noo.  Patuloy nasasakop ng kongregasyon ang pasilyo habang ang mga ito ay nagkukuhanan ng litrato ng kanilang pamilya o kaibigan kasama ang mga pari.  Ang mga medalya ay pinababasbasa, samantala ang iba ay isinasaayos ang binyag at kasal. Sa kasalukyang panahon, ang simbahang ito ay hindi pangkaraniwan.  Dagsaang tao ang nasa pintuan ng iba’t-ibang lahi, kasarian at gulang nagmula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.  Nakikibahagi sila sa sakramento ng iginagawad ng Simbahan lalo na sa Banal na Pagdiriwang.   Dinadalaw ng mga pari ang kanilang parokyano at gayun din naman ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan ng kumbento.

Aminin man o hindi, ito ay Simbahan ng Dukha, walang koro, walang pisarang palatastas, walang seroks, walang kompyuter o e-mail.  Wala din parokyang bulwagan, Linggong paaralan, grupong kabataan,  pangkababaihan o pangkalalkihan. Wala din kakayahan ang Simbahang ito na tumugon sa takbo at karangyaan ng kasalukuyang panahon.  Sila ay mahirap.  Nananalangin sila upang mabuhay bilang tao, mula sa Araw ng Panginoon hanggang sa susunod.  Tanggap nila bilang mga anak ng Diyos ang simpleng buhay.  Halos lahat ay naghahanapbuhay ng isa o dalawang mababang uri na trabaho, iba’y retirado, iba’y mga bagong migrante, at iba nama’y mga napabayaan, nasaktan o nasiraang loob.  Ang kanilang mapagkalingang misyon ay sa mga nakapalibot na kapit-bahay, kamag-anak at sa mga simpleng tao ng Beatitude.  Tinuruan tayo ng Anak ng Tao na ang mga dukha at mga hindi-pinagpala (Anawim) ang sakramento ng Kanyang presenscya. Paano mabubuhay ang Simbahan ng mga Dukha (Anawim) sa kasalukuyang panahon?  Nabubuhay ito dahil sa panlansak na pangangailangan.  Ang mga taong ito (Anawim) ay may matibay na pagbubuklod mula kay Hesu-Kristo na isang karpintero na kung saan kaisa sa mga itinakwil na uri, kultura bansa at paniniwala.  Sila ay binubuklod ng Nagdurusang Tagapaglingkod (Isias 53), na ang kautusa’y “ Mahalin ang isa’t-isa.”  Hindi nila pinaguusapan ang lisanin ang siyudad sa dahilang ito ang kanilang misyon at kung lisanin man nila ang siyudad, saan sila patutungo?  Samantala, ang kanilang pangkaraniwang buhay ang siyang nagpapasigla sa ating lahat at sa diwa ng panahon ng tagsibol ng kasalukuyang lipi ng Diyos.

The Rt. Rev. Dr. L. M. McFerran, B.A., L.Th., M.A., Ph.D., R.S.W.

Obispo ng Antigong Katoliko ng BC

1927 – 2007 RIP